Chapter 22: Epilogue
Chapter 22: Epilogue
“BAKIT nandito ka?” Nanlalaki ang mga matang tanong ni Holly kay Aleron nang ito ang mapagbuksan
niya ng pinto. Bukas na ang araw ng kanilang kasal at mahigpit ang bilin sa kanilang hindi na muna
dapat magkita.
Mabilis pero maingat siyang itinulak ng binata papasok sa kwarto niya matapos nitong siguruhin na
walang ibang tao sa paligid. Naupo ito sa kama niya at mapaglarong hinila siya. Bumagsak siya sa
kandungan nito.
“Ang sabi ni mama, napansin niya daw na parang tensyonado ka noong bisitahin ka niya rito kanina.
Kung hindi lang parang militar ang mga magulang mo sa pagbabantay sa ’yo rito, kanina pa kita
pinuntahan. Holly, tell me, honestly. Are you scared?”
“Of course not.” Mabilis na kaila ni Holly.
Bumuntong-hininga si Aleron. Kabisado na nito ang ugali niya. Bahagyang lumayo ito sa kanya.
Marahang ipinaloob nito ang mukha niya sa maiinit na mga palad nito. “Holly, bukas ng gabi pa
darating ang chopper na maghahatid sa atin papunta sa honeymoon destination natin. Wala ring
available na bangka. At isla ito. Wala akong takas.” Nangingiti nang wika nito. “At wala akong balak na
tumakas. Not ever-“Nahinto ang binata sa pagsasalita nang makarinig sila ng mga katok.
Nataranta si Holly. Bumakas rin ang kaba sa mukha ni Aleron. Hindi na nag-isip pang itinulak niya ang
aligagang binata sa ilalim ng kama. Mabilis na inayos niya ang bedsheet para masigurong hindi na ito
makikita roon. Sinikap niyang kalmahin ang sarili bago niya binuksan ang pinto. Bumungad sa kanya
ang ina na mayroon pang bitbit na isang unan.
“M-mom,” Nasorpresang wika niya. “D-dito ba kayo m-matutulog?”
Hindi sumagot ang ina. Tuloy-tuloy lang itong pumasok sa loob at sinuyod ng tingin ang buong kwarto
ni Holly. Kinabahan siya. Mayamaya ay humarap sa kanya ang ina at inabot ang unan na nagtataka
man ay tinanggap niya pa rin.
“May nakita kasi akong malaking itim na pusa kanina. Parang dito pumunta kaya dinala ko lang itong Exclusive © content by N(ô)ve/l/Drama.Org.
unan. Baka sakaling kulangin ka rito.” Anang ina bago dumeretso na sa pinto. Paalis na ito nang para
bang may malimutan. Bumaling ito muli kay Holly. “Pakisabi kay Aleron, nakalabas ang kanang paa
niya.” Napailing pa ang ina bago ito lumayo na.
Naramdaman ni Holly ang pag-iinit ng mga pisngi niya. Sinara niya na ang pinto at nailing rin na
bumalik sa kama. Sumilip roon ang ulo ni Aleron. Base sa namumula ring anyo nito ay walang dudang
narinig nito ang mga sinabi ng kanyang ina.
“I was that… big, black cat she was referring, right?” Napatango si Holly. “What else did she say?”
Sinilip niya ang mga paa ng binata. Noon niya lang napansing tama ang ina. Natawa siya. “Nakalabas
daw ang kanang paa mo.”
Natawa rin ang binata. “God, I love you, Holly. And I love your family.”
“Quit smiling. Baka mahipan ka ng hangin dyan.”
Natigil sa pagbabalik-tanaw si Holly nang marinig ang boses na iyon ng pinsang si Zai. Lalong
lumawak ang pagkakangiti niya. Nakita niya itong sumakay ng jeep noon pang nakaraang mga linggo.
Bukod roon ay simple na lang ang pananamit nito ngayon. At iisa lang ang ibig sabihin niyon. Lumabag
na rin ito sa kanilang kasunduan kahit wala pa itong sinasabi sa kanila.
Aha, Zai. I know what you did last summer. Pilyang naisaloob ni Holly. Kumpleto silang magpipinsan
dahil sa araw ng kanyang kasal. Hinintay na muna nila ni Aleron na matapos ang isang taon mula nang
yumao si Hailey bago nila inasikaso ang kanilang kasal. Wala na siyang mahihiling pa dahil nang araw
na pumunta ang binata sa kanilang mansyon ay tinanggap itong muli ng kanyang mga magulang. Sa
mismong isla kung saan sila nagkasundo ni Aleron gaganapin ang kasal.
Halos silang anim ay masasabi niyang lumabag na rin sa kasunduan. Patunay na roon ang buntis nang
si Julienne na puro makukulay na mga damit na ang isinusuot at si Valeen na naka-pixie cut na ang
buhok. Si Jazeel naman ang sumagot ng flower arrangement niya at likas na kuripot ito kaya alam
niyang hindi lang iyon dahil malapit sila sa isa’t isa. Siya naman ay ilang bwan nang isinuko ang
kanyang mga libro. Kasama niya pa si Clover sa pamimigay ng mga iyon sa readers niya.
Sadyang mapaglaro ang buhay. Sino ba ang mag-aakala na posible pa pala ang ikalawang
pagkakataon para sa kanila ng mga ex nila? Kakaibang manunulat ang Diyos. Wala kahit na sino ang
kayang hulaan ang mga isinusulat nito para sa mga tao. At sa nakikita niyang saya sa mga mata ng
mga pinsan niya, alam niya na gaya niya ay nasulit ang paglabag ng mga ito sa kanilang kasunduan.
Going back to Aleron was a rule she didn’t mind breaking.
Pribado ang kasal at tanging malalapit lang sa kanila ni Aleron ang inimbitahan nila. Kasama roon si
Cedrick na nagawa na ring tanggapin na hanggang pagkakaibigan na lang ang kaya niyang ialok rito.
Mas pinalaki at pinalawak ni Aleron ang mansyon sa isla kaya doon tumuloy ang mga bisita. Bilang
bride na hindi daw dapat makita ng groom ay sa mansyon siya natulog habang sa isa sa mga
ipinagawang cottages naman sa labas nanatili si Aleron.
Hindi nila nagawang makapuslit para makapag-usap dahil sa mga magulang lalo na sa kanyang ama
na halos hindi umalis sa kanyang kwarto buong araw kahapon. Mabuti na lang at nakagawa pa rin ng
paraan si Aleron bandang hating-gabi. Magkasama pa sila nitong natulog. Madaling-araw na nang
makabalik ang binata sa cottage nito. Totoong kabado pa rin siya para sa kasal dahil hindi niya pa rin
maiwasang maalala ang nangyari noon pero malaking bahagi sa puso niya ang siguradong magiging
maayos na ang lahat sa umagang iyon. Nadagdagan ang kompiyansa niya nang dahil sa pagsadya sa
kanya ng binata kagabi.
Nang kumatok na ang wedding coordinator ay umalis na silang magpipinsan sa kwarto. Naghihintay na
sa labas ng pinto ang mga magulang niya. Sabay-sabay silang naglakad palabas ng mansyon.
Papasikat na ang araw nang mga sandaling iyon. Tamang-tama para sa isang bagong simula.
Agad na gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Holly nang makita si Aleron na naghihintay na sa kanya sa
make-shift altar roon. Puno ng kislap ang mga mata nito, isang uri ng kislap na araw-araw niya ring
nakikita sa mga mata niya sa tuwing haharap siya sa salamin.
“I love you so much.” Aleron mouthed.
Lumapad ang pagkakangiti ni Holly habang dahan-dahang naglalakad papunta sa lalaking
pinakamamahal. The trouble with good beginnings is that people can’t help but to expect equally good
endings. Iyon ang naisip niya noong minsang masaktan at i-delay ng tadhana ang lahat para sa kanila
ni Aleron. Pero na-realized niya na hindi pala kailanman mauuso ang salitang wakas sa mga taong
nagmamahal, para sa mga taong parating nakahandang sumugal para sa pagmamahal.
Dahil habang may pagmamahal, magpapatuloy ang kwento. Love will always keep the story moving.
WAKAS