Chapter 1
Chapter 1
“MOMMY, what are we doing here?”
Pinigil ni Lea ang mapahikbi nang marinig ang napakainosenteng tanong na iyon ng kanyang sampung
taong gulang na anak. Mula sa manibela ay dahan-dahan niyang nilingon si Janna. Ilang sandali
siyang hindi nakapagsalita nang humarap sa anak at muling napagmasdan ang mukha nito dahil
pakiramdam niya ay ang sariling ama mismo nito ang kaharap niya. Magkamukhang-magkamukha ang
dalawa.
Nagsimulang mamasa ang kanyang mga mata. Seeing her daughter always give her that bittersweet
feeling. Masaya si Lea na kasama ang kanyang munting prinsesa. At kahit na kailan ay hindi niya
pagsisisihan ang pagiging isang ina kahit na napakalaki ng naging kapalit niyon para sa kanya. Nawala
sa kanya ang ilang mahahalagang tao sa buhay niya dahil doon kaya si Janna na lang ang meron sa
kanya ngayon.
At hangga’t maari ay ayaw niyang magsinungaling pa rito. Iyon ang dahilan kaya sila nasa tapat ng
simbahan ngayon.
Pero nang makarating roon, saka naman naduwag si Lea na ipaalam na sa anak ang lahat. May
bahagi sa kanya ang gustong tumakas palayo roon pero mas malaki rin ang bahagi sa kanya na
nagdidiktang pigilan ang mga nakatakdang mangyari. Pero hindi niya alam kung saan siya huhugot ng
lakas para gawin iyon.
“Mommy?”
“I promise you that after this, we will go and watch a movie, sweetheart.” Naibulong na lang ni Lea
habang sa likod ng isip ay humihiling ng milagro, humihiling na sana sa pagkakataong iyon ay maawa
naman ang langit at mapakinggan naman siya. Kahit ngayon lang. Para sa anak. Para sa kanya…
Para sa mga umaasang puso nila.
“May pinagawa ‘yong teacher ko sa amin a few days ago, Mommy. It was an essay about how well we
know our mothers.” Mayamaya ay malambing na sinabi ni Janna. “Ipinabasa sa amin sa klase ni
teacher isa-isa ang essays. Ang sabi ng ilang classmates ko, ang Mommy daw nila kapag umiiyak,
nagsa-shower o kaya nagsu-swimming para hindi obvious. Pero siyempre, nahahalata daw nila. They
said they have a super skill that’s why they can notice those things.
“Iyong iba naman, malalaman daw nilang masaya ang Mommy nila kapag nagluluto. It depends upon
the taste daw, Mommy. When their mothers are happy, the meal would taste delicious.” Ngumiti si
Janna, lumitaw ang dimples nito sa magkabilang pisngi. Iyon lang ang namana nito mula sa kanya, ang
ngiti nitong iyon, ang mga dimples nito.
God… ilang taon na nga ba simula nang ngumiti siya na katulad ng ngiti ng anak? Sa sobrang tagal na
ay hindi niya na maalala.
“How about you, sweetheart? What did you say about me?” Mayamaya ay namamaos na tanong ni
Lea. Nagsimulang manakit ang kanyang lalamunan sa kapipigil na huwag mapaiyak.
Pinagmasdan siya ni Janna. Sampung taon pa lang ay makikita nang napakatalinong bata ng kanyang
munting prinsesa. Bukod pa roon ay napakabait rin nito. Kahit kailan ay hindi nito pinasama ang
kanyang loob, isang bagay na para bang naging hobby na ng ama nito.
“Ang sabi ko sa kanila, wala akong super powers or super skills. But I can proudly say that I know you
so well, Mommy. When you’re hurt and you don’t want me to see that, you would ask me to go and
watch a movie with you. At do’n ka iiyak. Kahit walang nakakaiyak. Ilang beses kang nagyayaya ng
movie. Ibig ba sabihin niyon Mommy ay ilang beses ka ring nahi-hurt? But who is hurting you,
Mommy?” Namula ang ilong ni Janna na nangyayari lang sa tuwing papaiyak na ito. “Is it me?”
“No, sweetheart. No, it isn’t you.” Garalgal ang boses na sagot ni Lea. Inabot niya ang anak at mabilis
na niyakap. “You are such an adorable kid. Kahit kailan ay hindi mo pinahirapan si Mommy. And I will
be forever thankful for that.”
“If it’s not me, then is it… Daddy?”
Humigpit ang pagkakayakap ni Lea kay Janna. Hindi niya na alam kung ano ang isasagot. Nauubusan
na siya ng ikakatwiran. Sa ibang pagkakataon ay ie-encourage niya ang pagiging palatanong ng anak.
Dahil parating sign iyon ng katalinuhan, ng kagustuhang maraming malaman. Pero hindi sa
pagkakataong iyon. Hindi niya gustong sumagot. Hindi niya gustong may malaman ang anak at
masaktan ito. Ganoon pa man ay tama ito. Kilalang-kilala na siya nito. Tuluyan nang pumatak ang
kanyang mga luha sa naisip.
“Daddy doesn’t love us, right, Mommy?” Mahinang tanong ng anak mayamaya. Hindi maikakaila ang
matinding lungkot sa boses nito. “I feel it. Always.”
Napailing si Lea. Agad na bumitaw siya sa anak. Ikinulong niya ang maliit na mukha nito sa kanyang
mga palad. “Janna, hindi totoo ‘yan. Daddy loves you.” Iyon lang ang nag-iisang bagay na sigurado
siya. Na kahit paano ay may pagmamahal si Jake para sa kanilang anak.
“Then where is he now? Ilang weeks na siyang hindi nagpapakita sa atin, Mommy. And I miss him a
lot.”
Napahugot ng malalim na hininga si Lea. Paano niya ba ipapaliwanag sa anak na sa mga sandaling
iyon ay nasa simbahan lang sa kanilang tapat ang Daddy nito at nakahanda nang magpakasal sa iba?
Napalingon siya sa bintana sa gawi niya para maibsan kahit kaunti ang bigat sa dibdib na
nararamdaman.
Ganoon na lang ang pagkagulat niya nang huminto ang isang pamilyar na sasakyan sa tapat rin ng
simbahan. Mula roon ay nagmamadaling bumaba si Alexis. Nabuhay ang pag-asa sa puso ni Lea. Muli
siyang humarap sa anak. “Your Daddy is at the church, sweetheart.”
Namilog ang mga mata ni Janna. Mayamaya pa ay nagmamadali na itong bumaba ng sasakyan. Gaya
ni Alexis ay nanakbo rin ang bata papunta sa simbahan. Mabilis na sumunod si Lea.
“INTO this holy estate, these two persons present now come to be joined. If any person can show just
why they may not be joined together, let them speak now or forever hold their peace.”
Ang mga salitang iyon ng pari ang naabutan ni Lea nang makapasok na siya ng simbahan. Kitang-kita
niya ang pagkabigla ng anak. Namutla ito. Agad na lumapit siya rito at hinawakan ito sa kamay.
Sumunod na nilingon niya si Alexis na nakatayo hindi kalayuan sa kanilang mag-ina at mukhang hindi
pa nararamdaman ang presensiya nila. Hindi nakaligtas sa kanya ang pagkuyom ng mga kamay ng
binata.
Utang na loob, Alexis. Do something. Kinakabahang naisaloob niya. And only then will I have the
courage to do something as well.
“Itigil ang kasal!” Mayamaya ay umalingawngaw ang boses na iyon ni Alexis sa buong simbahan.
Narinig ni Lea ang pagsinghap ng karamihan sa mga bisita roon kasabay ng pagbaling ng atensiyon ng
lahat sa binata… at sa kanilang mag-ina.
“Axis?” Nabiglang sinabi ni Diana.
“Hindi mo siya pwedeng pakasalan, Diana. You can’t do that especially now that you’re pregnant with
my child.” Lalong lumakas ang bulungan ng mga tao sa paligid sa panibagong rebelasyon ni Alexis.
Kilala na ni Lea si Alexis, matagal sila nitong naging magkaibigan at magkatrabaho bago sila
nagkaroon ng mas malalim pang relasyon hanggang sa mag-break sila. Alam niya na kung kailan ito
nagsisinungaling, kung kailan ito nagpapanggap o kung kailan ito nagtatapang-tapangan lang. Gaya
na lang nang mga oras na iyon. Alam niyang nagsisinungaling lang ito. Kabisado niya na ito dahil
pareho lang sila. They were both the fools who crossed the boundaries and fell in love with their best
friends. And now, they were suffering the consequences.
“Daddy, I hate you! You lied to me! Ipinagpalit mo kami ni Mommy sa iba! I don’t ever wanna see you
again, Daddy!” Ang matining na boses naman na iyon ni Janna ang sumunod na umalingawngaw sa
buong paligid. Bago pa mamalayan ni Lea ay mabilis na kumawala na sa kanyang pagkakahawak ang
anak. Umiiyak itong tumakbo palabas ng simbahan.
“Janna, wait!” Nagmamadaling hinabol ni Lea ang anak. Pero lalo pang binilisan ni Janna ang
pagtakbo nito hanggang sa makarating sila sa kalsada. Kumabog ang dibdib niya nang makita ang
isang paparating na sasakyan na mabilis ang pagpapatakbo. “Janna, watch out!” Exclusive content from NôvelDrama.Org.
Pero dere-deretso pa ring tumawid ang kanyang anak. Halos tumigil ang buong mundo niya nang
makita itong nahagip ng isang kotse. Walang malay na bumagsak ito sa sementadong kalsada.
“Janna!” Parang mababaliw na pagsigaw niya.
Nilapitan ni Lea ang anak. Nanginig ang kanyang mga kalamnan nang makita ang dugo na umaagos
mula sa ulo nito. Napahagulgol siya.
Diyos ko… I know that love is not just about the good and the romantic things. Tanggap ko naman po
na may mga kahinaan rin ang pag-ibig. It brings sadness, frustrations and pain. Pero ‘di ba po sabi nila
ay may magandang bagay rin daw na dulot ang pag-ibig? Bakit po gano’n? Nang mahalin ko po si
Jake, puro ‘yong mga negatibong bagay ang inihatid sa ’kin ng pag-ibig. Si Janna na lang po ang
natitirang nag-iisang magandang bagay sa lahat ng mga nangyari. Kung pati siya po ay mawawala,
isama N’yo na ako. Parang awa N’yo na. Isama N’yo na ako.