Chapter 11
Chapter 11
KAHIT nanginginig pa ang mga tuhod ni Katerina dala nang labis na sama ng loob ay sinikap niyang
talikuran na si Brett. Mabibigat ang mga paang naglakad siya palabas ng bar. Tahimik lang si Andrei na
nakasunod sa kanya.
Pasakay na sana sila sa kotse nito nang may kamay na biglang humawak at pumigil sa braso niya.
Hindi niya na ikinagulat nang sa pagharap niya ay makitang si Brett iyon.
“’Pasok na muna ako sa kotse, Kate. Senyasan mo na lang ako in case you need my help.” Ani Andrei
bago sumakay sa kotse nito. And somehow, she was glad. Andrei seemed to understand the situation.
Ni hindi niya na kailangang magsalita. Hindi tulad ng lalaking kasalukuyang madilim ang anyong
nakatitig sa kanya.
“Shall I give you now the best girlfriend’s award, Katerina? You know, for acting as if you really care for
me just a while ago?” Nang-uusig ang mga matang tanong ni Brett. “Na para namang hindi ko alam na
kapag wala ako, sumasama ka sa iba? Pero ang galing nang ginawa mo sa bar, Kate. You almost got
me there.” Nagtatagis ang mga bagang na pinalakpakan pa siya nito. “Katerina Alvarez, you surely are
a very talented woman. I’m amazed.”
Hindi makapaniwalang napatitig siya sa mukha ng binata. Gusto niya itong intindihin uli dahil alam niya
ang mga pinagdaanan nito. Alam niyang nang mga sandaling iyon ay nasasaktan rin ito. Pero
hanggang kailan niya ba iyon gagawin? Hanggang kailan niya ba ito uunawain? Does she really need
to be the one to always adjust? Paano kapag siya naman ang napapagod? Paano kapag siya naman
ang nangangailangan ng iintindi sa mga pinagdaraanan niya? Who could she lean on at times like that
when she always had to be the one to understand more in their relationship?
“Tinutulungan lang ako ni Andrei, Brett.” Sinisikap pa ring magpakahinahon na sinabi ni Katerina.
“Wow, great.” Nang-uuyam itong natawa. “And now he’s your new Superman?”
That was the final blow. Hindi na nakapagpigil na muling umigkas ang palad niya sa pisngi ni Brett.
“Alam mo ba kung bakit ako napilitan na magsinungaling sa ‘yo? Kasi hindi ka naman nakikinig sa ‘kin!
I finally found my family, Brett. Ipinahanap ako ni Daddy kay Andrei. I’ve met him today. And I’ve found
out about me and my family today.” Namalisbis ang kanyang mga luha. “Ang dami kong gustong i-
share sa ’yo pero hindi mo ako hinayaan. Alam mo bang si Daddy na lang pala ang meron ako
ngayon? I’ve lost my mother and my two siblings a long time ago.” She laughed bitterly. “Akalain mo
‘yon, Brett. May pamilya pala ako. May naghanap rin pala sa ‘kin these past several years. But the truth
was too painful for me to bear. That’s why I needed to leave my father for a while.”
Muling naramdaman ni Katerina ang paghihinanakit nang makita niya ang unti-unting paglambot ng
expression ni Brett. “Dapat kasama ko pa rin si Daddy ngayon, eh. Pero umalis ako. Binalikan kita,
Brett. Dahil ginusto kong makasama ka muna. Dahil alam kong kapag katabi na kita, mapapanatag na
ang loob ko. Na kahit paano, makakatakas ako pansamantala mula sa sakit na nararamdaman ko.”
Pumiyok ang boses niya. “But there you are, kissing another girl while accusing I’m dating another
man.”
PILITIN man ni Katerina na magpakatatag ay hindi niya pa rin naiwasan ang paghagulgol. Umalis siya
ng Manila na puno ng pag-asa ang puso niya. Pero bumalik siya roon dala ang sakit na dulot ng mga
natuklasan niya. Kaya niya pa rin sanang tanggapin iyon kung hindi lang sa taong nadatnan niya na
nakikipaghalikan sa ibang babae. At hindi basta kung sino lang ang taong iyon. It was Brett of all
people, ang kauna-unahang lalaking minahal at pinagkatiwalaan niya nang husto.
Bakit kailangang sabayan pa ni Brett ang hapding nararamdaman niya? Sa unang bagsak ng unos sa
pagitan nila ay agad itong bumitaw sa kanya nang dahil lang sa selos at insecurities nito, mga bagay
na hindi ba nito alam ay taglay rin niya?
Nang akmang lalapitan siya ni Brett, mabilis na umatras siya. Rumehistro ang kirot sa mga mata nito.
“Bakit… bakit hindi mo na lang inamin sa akin? Bakit hindi mo pinilit sabihin sa akin-“
“Sinubukan ko, remember? Maraming beses, Brett.” Putol niya sa mga sasabihin pa sana nito. “But
every time I do, you shut me out. You would say things about your mother, you would compare my
case to yours and suddenly, it will just be about you again.” Nanghihina ang mga tuhod na naupo na
siya sa sementadong daanan. “Palagi na lang ikaw. Kailan ba magiging tungkol naman sa akin, Brett?”
Tuluyan nang lumapit si Brett sa kanya. Lumuhod ito at iniharap ang mukha niya rito. Maingat na
hinaplos nito ang mga pisngi niya. Pero kakatwang hindi niya maramdaman ang init sa ginawa nito,
hindi tulad nang dati. Regret was all over his face.
“I know that what happened to your family is still hurting you, Brett. And ever since we met again, I’ve
been trying so hard to ease your pain.” Sinabi ni Katerina kasabay nang pagpahid sa kanyang mga
luha. “Naiintindihan ko din ang mga pinanggagalingan mo. I’m sorry that I lied. I’m sorry if you felt like I
didn’t listen to you when you told me that we should move on together. Kasi iba ang sitwasyon ko sa
‘yo. You know who your parents are. Alam mo lahat nang nangyari sa nakaraan n’yo. Pero wala ako ng
mga bagay na ‘yon. You no longer have questions about the past so it was so easy for you to suggest
that we move on together.
“But I’m not like you, Brett. Gusto kong malaman kung bakit ako iniwan ng pamilya ko noon, kung
ano’ng mali sa akin para gawin nila ‘yon. But believe me, I was thinking about you the whole time I was
away because part of the reason why I wanted to know who I really am was because of you, too. Kasi
alam kong kapag buo na ako, mas matutulungan kita. Mas masasamahan kita. Mas mauunawaan kita
at mas mapagtutuunan ko na ng atensiyon ang relasyon natin kasi hindi ko na kailangang isipin ang
tungkol sa nakaraan ko. I always think about you, Brett. But it seems like you… never thought of me
the same way.”
“That’s not true. I’m so sorry, babe.” Idinikit ni Brett ang noo sa noo niya. “I just don’t want to get your
hopes up. Ayoko lang na umasa at masaktan ka. Ayokong maranasan mo ang mga naranasan ko.”
“But don’t you realize that I’m hurting already?” Halos pabulong na lang na sagot ni Katerina. “Sa
pagpipilit mong huwag akong masaktan, lalo lang akong nasaktan.” Bahagya siyang lumayo sa binata
pagkatapos ay hinaplos ang mga pisngi nito. Muling tumulo ang masaganang mga luha niya. “Stop
hurting every woman on the planet… just because your mother left and your father’s dead.”
Humiwalay na siya kay Brett kasabay nang pagtayo niya. Sumunod naman agad ito. Hinawakan niya
na ang pinto ng kotse.
“Kate…” Damang-dama niya ang pagsusumamo sa tinig ng binata. “I’m so sorry, babe.”
Malungkot siyang napangiti. Hindi siya nagsisinungaling nang sabihin niyang nauunawaan niya si Brett,
pati na ang takot nito at mga rason nito. Gusto niya itong lapitan at tulad nang dati ay yakapin at aluin.
But maybe there were some things that they needed to handle on their own. Isa pa, ramdam niya ang
tuluyan nang pagkasagad ng lakas niya. She no longer had the extra energy to tend to his wounds, not
when her own wounds were weakening her at the moment.
“’Wag kang umalis agad, please? Ayusin natin ‘to.”
“Pagod… na pagod ako na ako ngayon, Brett. Sa susunod na lang natin ‘to i-resume, utang-na-loob.”
Walang lingon-likod na siyang pumasok sa kotse nang naghihintay na si Andrei. Kaagad naman nitong
pinaandar ang sasakyan palayo sa lugar na iyon.
Nanlalatang sumandal siya sa backrest ng upuan. Pero natigilan siya nang biglang itigil ni Andrei ang
kotse.
“For heaven’s sake, let those tears come out, Kate! Binabawi ko na ang sinabi kong bawal ang bad Contentt bel0ngs to N0ve/lDrâ/ma.O(r)g!
vibes dito sa loob ng kotse ko.”
Ilang sandali siyang napatitig sa nag-aalalang anyo ni Andrei bago siya muling napahagulgol. ”The
pain will pass, Kate.” Masuyo nang sinabi nito. “It always does.”
NATIGILAN SI BRETT nang pagpasok niya sa restaurant ay makitang naroroon si Katerina at
kasalukuyang tumutugtog. Hindi niya na mabilang kung ilang beses niya itong pinadalhan ng text
messages at sinubukang tawagan mula noong nagdaang gabi hanggang sa buong maghapon noong
araw na iyon. Pero isa man sa mga iyon ay wala itong sinagot kaya hindi na siya umasang tatapusin
pa nito ang huling araw sa pagtugtog.
Ang plano niya sana ay puntahan na lang si Katerina sa apartment nito bago matapos ang araw na
iyon. Kaya maaga niyang tinapos ang mga trabaho niya sa Antipolo. Dumaan lang siya sa main branch
nila sa Manila para kunin ang ilang mga importanteng dokumento bago siya mag-leave na muna sa
trabaho. Inihabilin niya na kay Luis ang mga gagawin habang wala siya.
For once, Brett just wanted to do something for his heart. He wanted to get in touch with it and finally
be honest with his self. Mahal niya si Katerina at kailangan niya ito sa buhay niya. And he would
pursue her-again, no matter how long it would take. Dahil hindi niya na alam kung paano ang mabuhay
kung wala ito sa tabi niya. Sinubukan niya na noong nagdaang araw pero hindi siya nagtagumpay. The
other woman’s kiss from the bar was nothing compared to that blissful feeling every time he was
kissing Kate.
Nang matapos ang huling piyesa ng kanyang girlfriend ay nag-bow ito sa mga tao. Nakangiti ito nang
mga sandaling iyon pero wala ang pamilyar na kislap sa mga mata nito. Imbes ay pagkahapo ang
mababakas sa asul na mga matang iyon. Napahugot siya nang malalim na hininga kasabay nang
muling pagbalot ng pagsisisi sa buong sistema niya.
I’m so sorry, babe.
“I had fun playing the piano for you, people. Pero katulad nga po ng kasabihan, lahat ng bagay ay may
katapusan.” Hindi niya alam kung bakit biglang dinunggol ng kaba ang dibdib niya sa sinabi ni Katerina
lalo na nang sumulyap ito sa direksiyon niya. “The last six months were probably the best six months of
my life. Kaya umasa kayong walang pangyayari rito na makakalimutan ko. Maraming salamat po sa
pagtanggap sa akin rito. Until next time.”
Kasabay nang masigabong palakpakan ng mga customers ay ang pagbaba na ni Katerina sa stage.
Mabilis na pinigilan niya ang dalaga sa braso nang akmang pupunta ito sa kitchen kung saan alam
niyang naghihintay na ang farewell party para rito ng mga kasamahan nito.
“Kate, mag-usap tayo, please.” Nang hindi ito kumibo ay nagpatuloy siya. “Alam kong naging gago ako
and I’m sorry. Like a jerk, I acted on impulse. Pinangunahan ako ng takot ko. Takot na baka katulad ni
Papa, masaktan ako nang husto. Takot na baka-“
“Na baka ano?”
Saglit siyang napayuko. “Natakot akong baka iwanan mo rin ako… kaya nauna na akong bumitaw.”
“Pero sinabi ko naman sa ’yong mahal kita, ‘di ba?” Mahinang tanong nito. “Just how many times do I
have to assure you that I’m not going to leave you?”
“Pero ganyan din ang sinabi ni Almira. Nangako din siya sa amin ni Papa na hindi niya kami iiwan. She
told me the same words, Kate.”
Ilang sandaling para bang hindi makapaniwalang nakatitig lang sa kanya ang dalaga. And when she
finally spoke, the coldness in her voice sent a chill running down his spine. “But I’m not your mother,
Brett.”
Nang talikuran siya ni Katerina, muli niya itong hinabol. Maagap na niyapos niya ang dalaga mula sa
likod nito. Damn it, but he was really scared. Mas lamang ang takot na narararamdaman niya ngayong
maiwanan kaysa noong bata pa siya.
“I know the difference now, Kate. Utang-na-loob, magsimula ulit tayo. Magbabago ako. Mag-“
“At ano, Brett? At the first sign of problem, you would give up on me again just because I remind you of
your mother?” Napailing ito. “Kahit pala pang-unawa, may expiration date din, Brett.” Dagdag nito bago
hinubad ang suot na engagement ring. Kinuha nito ang kamay niya at inilagay doon ang singsing saka
humiwalay sa kanya at naglakad na palayo.
Naikuyom niya ang mga kamay. Pwede niya naman sanang sundan si Katerina at huwag tigilan kung
gugustuhin niya. But heck, the pain in her eyes when she looked at him and the weariness in her voice
were all enough for him to stop on his track.
While watching her walk away, he felt as if he was actually watching his heart… walk with her.
“KATERINA, wait!”
Nahinto sa pagpasok sa airport si Katerina nang marinig ang pagtawag na iyon sa pangalan niya.
Paglingon niya, bumungad sa kanya ang hingal na hingal na anyo ni Brett. Tumutulo pa ang pawis nito
habang nagsusumamong nakatitig sa kanya.
“Kung dahil sa akin kaya ka aalis, hindi mo naman na kailangang gawin ‘to. Ako na lang muna ang
iiwas. Hanggang sa isang araw, handa ka na ulit na kausapin ako. Just don’t leave, please. Ngayon pa
nga lang na nasa iisang lugar lang tayo, hirap na hirap na akong abutin ka, paano na kaya kapag aalis
ka pa?”
Bumuntong-hininga si Katerina. Siguradong nalaman ni Brett mula kay Luis ang nakatakda niyang pag-
alis kasama ng kanyang ama papuntang California. Nagkita kasi sila noong nakaraang araw habang
namimili sila ng kanyang ama sa isang mall ng mga gagamitin patungong ibang bansa. But Luis was in
a hurry. Nalimutan niyang ibilin rito na huwag nang ipaalam pa kay Brett ang tungkol sa pag-alis niya.
Hangga’t maaari, ayaw niya na iyong ipaalam pa kay Brett dahil sigurado namang babalik rin siya uli.
Pero nalaman pa rin nito. Sa ngayon, ang gusto niya na muna ay ang makasama ang kanyang ama,
isang bagay na ipinagkait sa kanila ng kapalaran sa nakalipas na mga taon.
She wanted them to make up for the lost times and to finally heal together… kasama ng iba pa nilang
mga kamag-anak sa California. Gusto niyang magsimula uli at sa pagkakataong iyon ay mabuhay
bilang tunay na siya, si Eirene Morrison, isang taong sigurado na sa kanyang pinagmulan, isang taong
sigurado na sa taglay niyang pangalan.
At kapag nabuo niya na ang sarili niya, babalik siya uli sa piling ni Brett. Dahil sigurado din siya sa sarili
niyang nasaktan man siya sa ginawa nito ay wala pa rin siyang ibang mamahalin bukod rito. Dahil
nakalaan na ang puso niya para sa binata, puso niyang nagtampo lang sandali. She just wanted to
give herself the space she needed and the time to give her heart a break.
“Mahal na mahal kita, Kate. ‘Wag naman sana tayong ganito, utang-na-loob.”
Napailing siya. “Hanapin na muna natin ang mga sarili natin, Brett. Sa ngayon kasi itong puso ko…”
Itinuro niya ang dibdib. “Sugatan pa rin. At hindi magagamot ng sugatan na puso ang kapwa nito
sugatan ring puso. Magpagaling na muna tayo.”
“I must have hurt you so much.” A tear fell from his eye. “And I’m so sorry, Kate.”
Nag-iinit na rin ang mga matang hinaplos niya ang mga pisngi ni Brett. “Para sa akin, ikaw pa rin si
Brett, ang savior ko. Kung hindi kita nakilala, baka matagal na akong nag-goodbye earth sa bridge
noong gabing iyon.”
Idinikit nito ang noo sa noo niya. “Then go… you have my blessings. I’m giving you all the time and
space you need, Katerina Ibibigay ko sa ’yo ang lahat ng pang-unawang hindi ko naibigay noon. Hindi
ko alam kung babalik ka pa pero maghihintay ako. At kung sakaling babalik ka, makikita mong
nagbago na ako. Ibabalik ko ‘yong dati. Magiging mabuting tao ako, Kate. Para maging bagay na tayo.”
Humiwalay si Brett sa kanya pagkatapos ay humarap sa kanyang ama. They shook hands. “Kayo po
siguro ang ama ni Kate. Ako po si Brett Santillan. It was wonderful to finally meet the man behind
Katerina’s golden heart and charming looks.”
Her father smiled, pleased. “Those are such generous adjectives, Brett. Thank you. I’ll see you again,
young man.”
“I will make sure that you will, Sir.”