Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman

Kabanata 30



Kabanata 30

'Nandidiri ako sayo Madeline.'

Nagmistulang mga palaso na tumusok sa kanyang puso ang mga sinabi ni Jeremy. Nakatuon ang lahat

ng ito sa durog-durog niyang puso.

Pinaniwalaan agad ni Jeremy ang mga sinabi ni Meredith. Hindi man lang niya binigyan ng

pagkakataon na makapagpaliwanag si Madeline.

Bumuhos ang nagyeyelong tubig sa kanyang bibig at ilong. Nalulunod na siya. Subalit, hindi na siya

nagpumiglas pa.

Hindi ba't mas maganda kung mamatay na lang siya?

Subalit, noong ipinikit ni Madeline ang kanyang mga mata, binuhat siya ni Jeremy at ihinagis sa sahig.

Nagmistulang isang sirang manika si Madeline. Namaluktot si Madeline sa sahig habang basang-basa

siya.

Matindi ang sakit na nararamdaman niya dahil sa tumor niya. Sa sobrang sakit nito, nahihirapan na rin

siya sa paghinga. Sa kabila nito, iniangat pa rin niya ang kanyang ulo.

"Hindi ko siya kilala. Bakit ba ayaw mong maniwala sakin Jeremy…"

"Bakit naman ako maniniwala sa sinungaling at napakasamang babae na gaya mo?"

Galit na galit na hinablot ni Jeremy si Madeline. Makikita ang nunal sa kaliwang dibdib ni Madeline.

Napuno ng galit at kasamaan ang mga mata ni Jeremy noong maalala niya ang mga sinabi ni Tanner.

Pinunit niya ang damit ni Madeline sa sobrang galit.

Nagmistula siyang isang diktador na nabaliw at pinarusahan ng husto si Madeline.

Maliban sa sakit, wala nang iba pang nararamdaman si Madeline.

Nakita niya kung paano siya tingnan ni Jeremy. Takot na takot siya kay Jeremy sa mga oras na iyon.

Huminga ng malalim si Madeline. Pakiramdam niya ay madudurog ang kanyang mga buto. "Jeremy,

huwag…"

"Bakit ka pa nagpapanggap Madeline? Gusto mo 'to di ba? Tutuparin ko yung mga gusto mo."

Hinihikayat siya ng malalim at kaakit-akit na boses ni Jeremy.

Noong matapos ito, binato ni Jeremy ng pera si Madeline sa kanyang pagmumukha. Tinrato niya si

Madeline na parang isang bayarang babae.

Agad na nanlamig ang dugo sa katawan ni Madeline. Gayunpaman, tumayo si Madeline. "Asawa mo

'ko Jeremy!"

Dahan-dahang nagbihis si Jeremy at tumingin ng masama sa kanya. "Paano naman ako nagkaroon ng

asawa na tumatabi sa kung sino-sinong lalaki?"

Hiss.

Nadurog ng husto ang puso ni Madeline sa mga sinabi ni Jeremy.

"Kung hindi dahil kay Mer, baka nakaratay ka na sa ospital ngayon."

"Pfft." Napahalakhak si Madeline. "Tama, ang lahat ng ito ay dahil sa put*ng yun. Siya ang dahilan

kung bakit ako nagkaganito."

Huminto si Jeremy. Hinablot niya ang batok ni Madeline at hinila ito palapit sa kanya.

"Kapag nagsalita ka pa ng masama tungkol kay Meredith, sisiguraduhin ko na hindi makakapasok sa

kahit saang ospital yung matandang yun kahit na may pera ka pa!"NôvelDrama.Org owns © this.

Nadurog ang puso ni Madeline. Natuwa si Jeremy nang makita niya na nagbago ang ekspresyon ni

Madeline. "Natakot ka? Simula pa lang 'to Madeline! Sisiguraduhin kong maghihirap ka kapag

nagbalak ka ng masama sakin at kay Meredith!"

Pagkatapos niyang pagbantaan si Madeline, walang-awa niya itong sinipa.

Bumagsak mula sa kama ang sugatang katawan ni Madeline.

Wala na siyang lakas para tumayo. Wala siyang magawa kundi hayaan na lang na lamunin siya ng

sakit na kanyang nararamdaman.

Gayunpaman, alam niyang hindi siya maaaring sumuko. Kailangan pa siya ng kanyang anak at ng

kanyang lolo.

Kinabukasan, nagising sa sahig si Madeline. Nakatanggap siya ng tawag mula sa manager ng

nightclub paggising niya. Buo ang loob ng manager. Gusto niyang bayaran ni Madeline ang nasayang

na wine.

Walang pera si Madeline. Bukod dun, kailangan niya ng pera para sa operasyon ni Len. Napilitan na

lamang si Madeline na lagdaan ang isang certificate of indebtedness.

Sa loob ng isang gabi, bukod sa kailangan niyang bayaran ang utang na limang daang libong dolyar,

kailangan din niya ng tatlong daang libong dolyar para sa operasyon ng kanyang lolo. Pakiramdam ni

Madeline ay binagsakan siya ng langit.

Ngunit, hindi siya maaaring panghinaan ng loob. Tinapos niya ang mga disenyo ng singsing na ginawa

niya at ipinadala ito sa kanyang kliyente sa pag-asang mababayaran siya agad ng mga ito. Pagkatapos

nito, tumanggap siya ng iba pang mga order na mas maliit ang bayad.

Bukod dito, tila nagustuhan ng upper management ng isang jewelry company ang mga disenyo ni

Madeline. Kaya naman, inimbitahan nila siya sa kanilang opisina.

Bago ang meeting nila, uminom ng painkiller si Madeline. Nag-alala siya na baka sumakit ang tumor

niya habang nasa meeting siya.

Noong makita niya ang executive sa meeting room, nagulat si Madeline.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.